MANILA, Philippines – Sarado ang mga kalsada malapit sa city hall ng Caloocan City simula alas-9 ng gabi ng Lunes, Enero 27 hanggang alas-2 ng madaling araw ng Miyerkules, Enero 29.
Sa abiso, sinabi ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan na apektado ang mga sumusunod na lugar:
10th Avenue
9th Street patungong 7th Avenue
9th Street
Ang mga motorista mula C3 Road patungong Caloocan City Hall ay inaabisuhan na kumanan sa 9th Street, kaliwa sa 7th Avenue, kanan sa 7th Street, kanan sa 10th Avenue, kanan sa 8th Street.
Bukas, gagawin ang isang concert sa gilid ng city hall bilang bahagi ng selebrasyon ng 63rd cityhood anniversary ng Caloocan City.
Nasa 3,500 katao ang inaasahang dadalo sa event.
Inasahang magtatanghal sa lugar ang Parokya Ni Edgar, 6cyclemind, Malupiton & Kolokoys TV. RNT/JGC