Home NATIONWIDE ALAMIN: Repair works ng DPWH sa QC mula Mayo 22 ‘gang 25

ALAMIN: Repair works ng DPWH sa QC mula Mayo 22 ‘gang 25

40
0

MANILA, Philippines – Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes, Mayo 22 sa mga motorista na maghanap ng ibang alternatibong ruta sa isasagawang repair works ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang lugar sa Quezon City mula ngayong araw hanggang Lunes, Mayo 25.

Sa traffic advisory, sinabi ng MMDA na magsasagawa ng restoration at reblocking works ang DPWH sa mga sumusunod na lugar:

E. Rodriguez Jr. Avenue, mula sa Ortigas Flyover (northbound) patungo sa kanto ng Green Meadows Avenue, Quezon City

C-5 Road, mula harap ng UP Town Center hanggang kanto ng C.P. Garcia Avenue, Quezon City

Quezon Avenue, mula kanto ng Bureau of Internal Revenue hanggang sa tapat ng Lung Center, Quezon City

Sinabi ng MMDA na ang repair works ay isasagawa mula alas-11 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga ng mga nasabing araw. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here