Home HOME BANNER STORY Alamin: Top 20 lugar sa Pinas na may pinakamaraming flood control project

Alamin: Top 20 lugar sa Pinas na may pinakamaraming flood control project

455
0

MANILA, Philippines – Nanguna ang Bulacan, Cebu, at Isabela sa mga lalawigan na may pinakamaraming flood control projects, ayon sa sumbongsapangulo.ph.

Sila rin ang may pinakamalaking halaga ng kontrata para sa mga naturang proyekto.

Kabilang sa Top 20 ang:

Bulacan    – 668
Cebu – 414
Isabela – 337
Pangasinan – 313
Pampanga – 293
Albay – 273
Leyte – 262
Tarlac – 258
Camarines Sur – 250
Ilocos Norte – 224
Negros Occidental -208
Cavite – 192
Batangas – 189
Misamis Oriental – 181
Davao Del Sur – 180
Iloilo – 168
Rizal – 167
Cagayan – 167
La Union – 166
Nueva Ecija – 163

Binigyang-babala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang SONA nitong Hulyo ang mga opisyal na nagnanakaw ng pondo para sa flood control.

“Kamakailan lang, nag-inspeksyon ako sa naging epekto ng Habagat at bagyong Crising, Dante at Emong.  Kitang-kita ko, maraming proyekto sa flood control mga palpak at ‘yung iba, guni-guni lang,” ani Marcos.

Inatasan niya ang DPWH na ilabas ang listahan ng mga proyekto sa nakalipas na tatlong taon para masuri ng publiko at ma-audit. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here