Home HOME BANNER STORY Cayetano nananatiling Senate President; Zubiri, Ejercito lumahok sa minorya

Cayetano nananatiling Senate President; Zubiri, Ejercito lumahok sa minorya

77
0
Nanatili bilang Senate President si Alan Peter Cayetano sa kabila ng umuugong na balitang muling magkakaroon ng palitan ng liderato sa Senado ngayong araw, Mayo 18.Kasalukuyang tumatayo bilang presiding judge si Cayetano sa isinasagawang pag-convene ng impeachment court sa Senado para sa paglilitis ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Napanatili ni Senate President Alan Peter Cayetano ang kontrol sa mataas na kapulungan nitong Lunes, Mayo 18.

Kasabay nito ay nagdesisyon naman sina Senador Juan Miguel Zubiri at JV Ejercito na pormal na lumahok sa minority bloc na naunang nagpakilala bilang independent.

Ang hakbang na ito ay nagpapakita umano ng magpapalakas ng opposition group sa kapulungan.

Dumagdag din ang realignment na ito sa political dynamics sa loob ng Senado kasabay ng paghahanda ng mga miyembro sa pag-convene bilang impeachment court.

Ngayong hapon ng Lunes ay pormal nang nag-convene ang Senado bilang impeachment court para sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte.

Tanging si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa lamang ang wala sa 24 na senador. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here