Home ENTERTAINMENT Albie, aminado sa insecurities!

Albie, aminado sa insecurities!

140
0
Screenshot

Manila, Philippines – Sa mediacon ng Vivamax movie na Butas ay napag-usapan ang insecurities at aminado ang aktor na si Albie Casino na marami siya nito.

“Marami naman talaga akong insecurities pero hindi na para isapubliko pa ‘yun.

“Sabi ko nga kay direk Dado (Lumibao), walang frontal nudity na kukunan sa akin kasi baka malaman pa ang biggest insecurities ko,” sabi pa ni Albie na natatawa kaya hindi malaman kung nagbibiro o hindi.

Sinabi rin naman ni Albie na ang isa sa kanyang mga insecurities ay ang kanyang paa.

“Hindi kasi ako komportable na magsuot ng lone socks and nagsimula ito nu’ng 14 years old pa ako.

“Sa bahay kasi, hindi puwedeng lumabas na walang socks until ayun, natutunan ko ang magsuot ng slides tapos nakamedyas,” sabi pa niya.

Anyway, Albie is a newbie dad to his baby.

“Kumusta ang pagiging daddy? Ayun, laging puyat, hahaha!

“‘Yung project nga namin, sa shooting, naka-lock in kami, so pag nasa work ako, e, hindi na ako nagigising in the middle of the night, hahaha!

“At home kasi, I change the diaper of the baby, super hands on ako.

“Wala ka naman kaming masyadong bonding moments. Baby pa siya, e, kaya hawak-hawak ko lang siya pero he’s developing a personality na so pag naririnig niya ang boses ko and ‘yung kay mommy ko, alam na niya.

“Pero siyempre nu’ng bago pa lang and pinuntahan ko siya sa States, ayun, tinititigan ko lang.

“At first kasi natakot ako and then naging excited din, it’s the best,” kuwento ni Albie.

Sinabi rin ni Albie na nakatulong ang aso sa paghahanda niya on being a father.

“Having a dog readied me kasi kapag galing ako ng taping and pagod ako, I still have to walk the dog.

“Like ‘yung kapag ayaw kong umalis ng bahay pero ubos na ang dog food, you really need to go out and buy dog food.

“Parang ‘yung baby din, it’s really an obligation,” sabi pa niya.

Sinabi pa ni Albie na pwede siyang tawagin ng kahit na ano ng kanyang baby as a term of endearment bilang father except “papa”.

“‘Yung biological dad ko, papa na kasi ang tawag ko sa kanya and popa rin ang tawag sa kanya ng lahat ng pinsan ko so ‘ying sa akin, sana iba naman,” diin ni Albie.

Anyway, bukod kay Albie ay kasama rin sa butas sina JD Aguas, Angela Morena and Angelica Hart.

Streaming na ang Butas on August 30 sa Vivamax. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here