Home ENTERTAINMENT Albie, iiuuwi ang mag-ina; wedding bells, susunod na?

Albie, iiuuwi ang mag-ina; wedding bells, susunod na?

149
0

Massachussets, USA – Habang sinusulat ito’y nasa Boston, Massachussets si Albie Casiño.

Matatandaang bumiyahe pa-Amerika ang Kapamilya actor para personal na makita ang kanyang baby boy.

May pangalang Roman Andrew Dunton Casiño o Baby Romey, ang sanggol na isinilang noong April 28, ay anak ng aktor sa nobyang si Michellina.

Three years ago nang magkakilala ang dalawa, noong panahong nasa Guam si Michellina.

Baby Romey was born in Maine, USA.

Bale itinuturing na belated birthday gift ni Albie para sa sarili ang pagsipot ni Baby Romey sa Christian world.

Tinapos lang ni Albie ang taping para sa Can’t Buy Me Love at saka nag-book ng flight bound for US.

Inaasahang anytime soon ay uuwi na sa bansa si Albie kasama ang kanyang mag-ina.

Baka dito na rin pagpaplanuhan nina Albie at Michellina ang kanilang kasal.

Upon his return, may trabaho nang naghihintay para kay Albie sa kanyang home network.

Lalong inspired ang aktor to buckle down to work dahil natupad na ang pangarap niyang maging isang ama.

Sa hanay ng mga Kapamilya actors, expectant father din si Zanjoe Marudo.

Although unconfirmed, balitang malapit na ring maging ama si Derek Ramsay. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here