Home NATIONWIDE 2 patay sa Habagat sa NorMin, Davao

2 patay sa Habagat sa NorMin, Davao

184
0

MANILA, Philippines – Iniulat na nasa dalawang indibidwal ang nasawi sa Northern Mindanao at Davao dahil sa epekto ng Habagat.

Sa pinakabagong report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes, Hulyo 15, isa ang kumpirmadong nasawi sa Northern Mindanao.

Natagpuang lumulutang sa Pulangi River sa Kabacan, North Cotabato ang bangkay ng 47-anyos na babae.

Dalawa naman ang iniulat na nasaktan at isa ang nawawala pa rin sa Northern Mindanao.

Samantala, isa rin ang naitalang nasawi sa Davao Region na kailangan pang beripikahin.

Aabot naman sa P17,879,687 ang iniulat na halaga ng pinsala sa agrikultura sa Northern Mindanao. Mayroong 73 tirahan ang napinsala, 43 ang partially at 30 ang totally damaged sa halagang P2,116,000.

Para sa imprastruktura, iniulat ang pinsalang P700,000 sa Northern Mindanao, Davao, at Soccsksargen. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here