Home NATIONWIDE Mahigit 500 amnesty applications natanggap ng local boards – NAC

Mahigit 500 amnesty applications natanggap ng local boards – NAC

101
0

MANILA, Philippines – Nakatanggap ang National Amnesty Commission (NAC) ng kabuuang 578 amnesty applications hanggang nitong Hulyo 12, 2024.

Sa nasabing bilang, 497 ang dating miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP – NPA – NDF).

Samantala, dalawang aplikante naman ang mula sa Rebolusyonaryong Partidong Manggagawa ng Pilipinas / Revolutionary Proletarian Army / Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB).

Sa kabilang banda, nasa kabuuang 33 dating rebelde ang nagmula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang 46 mula sa Moro National Liberation Front (MNLF).

Sinabi ng NAC na mas marami pang Local Amnesty Boards ang itatayo sa mga lungsod at probinsya upang makahikayat na mas marami pa ang magbalik-loob sa pamahalaan.

Ayon kay Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Secretary Carlito Galvez Jr., makatatanggap ng amnesty mula sa pamahalaan ang nasa 40,000 rebelde na sumuko sa pamahalaan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here