Manila, Philippines – May dumadagdag na namang celebrity na nagbenta kay Boss Toyo ng kanyang mga memorabilia.
Ito’y walang iba kundi ang sexy star noong 2000 at gumanap bilang isa sa mga Sang’gre sa Encantadia: si Diana Zubiri.
Sa kanyang pagdalaw mismo sa shop ni Boss Toyo, bitbit ng Australia-based nang dating aktres ang apat na collector’s items na FHM na babasahin.
Kabilang dito ang kopya ng kontrobersyal niyang pictorial sa Edsa flyover noong 2002.
Matatandaang inalmahan ng mga kinauukulan ang pag-pose ni Diana nang naka-bikini.
Nanghingi naman ng paumanhin so Diana sa MMDA.
Pero giit ng dating aktres, talaga raw naka-bikini siya sa mga larawan na “dinoktor” na lang when the magazine issue was released.
Bukod sa apat na FHM copies, kabilang din sa mga ibinenta ni Diana ay ang kanyang album at kopya ng pelikula niya.
Nagkasundo sila ni Boss Toyo sa presyong US$400 o mahigit P23,000.
Tamang-tama naman ang ginawang pagbebenta ni Diana ng kanyang mga memorabilia sa pag-uwi niya sa Australia.
Kamakallan ay inamin mismo ni Boss Toyo na si Diana ang dahilan kung bakit siya “tumangkad.”
May sexual undertones ang rebelasyon ng negosyante cum vlogger.
Balak ni Boss Toyo na magtayo ng isang museo para sa paglalagakan ng lahat ng kanyang mga nabiling memorabilia mula sa mga artista.
Kabilang doon ay mula sa yumaong Francis Magalona, Urian Best Actor trophy ni Jiro Manio, kuwintas na ginamit ni Marian Rivera sa Dyesebel, to name a few. Ronnie Carrasco III