Home ENTERTAINMENT Albie, may hanash sa pagdalaw sa burol ni Jaclyn!

Albie, may hanash sa pagdalaw sa burol ni Jaclyn!

Manila, Philippines – Minsan nang naringgan si Albie Casiño na interesadong maging hari ng Vivamax.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na pag sinabing ang pelikula’y prodyus ng Vivamax, ibig sabihi’y mapangahas ito.

Hindi lang basta sexy, kundi nasa borderline ng soft porn.

At his age now, inamin ng dating wholesome actor na tinanggal na raw niyang lahat ang kanyang mga inhibitions when it comes to going daring.

Palaban na raw siya ngayon lalo’t kung hinihingi ng kuwento.

Albie is not just daring, he’s also honest in speaking his mind.

Natanong kasi siya ng tungkol sa yumaong aktres na si Jaclyn Jose.

Matatandaang ang ikinabuwag ng screen tandem nila noon ni Kathryn Bernardo ay dahil siya ang iniugnay bilang ama ng sanggol na dinadala ni Andi Eigenmann.

Of course, Albie had proven everybody wrong dahil si Jake Ejercito pala ang biological dad ni Ellie, Andi’s firstborn.

Dahil hot topic pa rin ang biglaang pagpanaw ni Jaclyn ay naitanong kay Albie kung dumalaw ba siya sa burol nito para makiramay?

Albie’s response was simple as it was straightforward.

Aniya: “Bakit ako dadalaw? Bakit ako makikiramay? But I just wanna say ‘condolence’ to the people she left behind.”

Sa puntong ito na nagpaliwanag si Albie: “My presence would not have been welcome there, so bakit?”

Kung tutuusin nga naman, the least Albie could have done was to wish Andi well para makayanan ang pagkawala ng ina nito.

Puwede rin namang Albie offered a silent prayer kaya no need to be at the wake, lest naakusahan pa siya ng ‘di maganda. Ronnie Carrasco III

Previous articleMga empleyado ng QC LGU lumahok sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill
Next articleDBM naglabas ng mahigit P6B sa pagpapabuti ng mga fish port