Home ENTERTAINMENT Alden, aminadong inactive sa socmed, nagpaliwanag!

Alden, aminadong inactive sa socmed, nagpaliwanag!

Manila, Philippines – Inamin ng Kapuso aktor na si Alden Richards na medyo naging inactive siya sa social media nitong mga nakaraang linggo, huh!

Ayon pa sa aktor ay kailangan daw niyang magpahinga pansamantala dahil sa pagpanaw ng kanyang grandfather kama­kailan lamang.

Pero ngayon daw ay okey na raw siya at

nakatakdang magbalik sa All-Out Sundays simula ngayong Feb. 9, 2025.

Hindi naman itinanggi ni Alden na talagang nasa katawan na raw niya at hinaha­nap-hanap na rin daw niya ang pagho-host para sa mga tagahanga niya, huh!

Super aktibo naman si Alden sa mga kaliwa’t kanang acting projects noong isang taon.

“Babalik tayo as like the way we used to do before, host and prods din as well. Nakaka-miss din, excited ako. See you mga Kapuso,” banggit pa ng aktor.

Samantala, walang dudang si Alden pa rin ang Box Office King dahil kumita nang husto ang pelikulang Hello, Love, Again kung saan leading lady niya ang Kapamilyang si Kathryn Bernardo.

Pagdating naman sa telebisyon ay nagtapos na rin ang seryeng Pulang Araw na pinagbidahan nina Alden, Dennis Trillo at iba pa.

Kung ano ang kasunod ay abangan na lang daw nating lahat, huh! Jimi Escala