Home ENTERTAINMENT Alden, balitang iiskor ng Ferrari sa Italy!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Alden, balitang iiskor ng Ferrari sa Italy!September 16, 2025 12:112830 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Patuloy ang pag-level up ni Alden Richards when it comes to his passion for transport.Nitong September 10, Miyerkules, Alden left for Italy sa ’di malamang dahilan.Hush-hush o lihim-lilim ang pag-alis ng aktor, pero natunugan pa rin ng mga fans.May kinalaman daw iyon sa imbitasyon ng pamunuan ng Ferrari.Agad nag-one plus one ang mga fans—at nag-speculate na kaya naroon si Alden ay para umiskor ng Ferrari!Aba, consistent!Hindi ba’t Ferrari rin ang tatak ng dalawa niyang bikes—na ang isa’y may nabaling bahagi matapos ma-mishandle sa eroplano o sa airport sa US?If ever, isa na namang karagdagan ito sa mamahaling pag-aari ng aktor.At least, hindi ito galing sa “kuracaught”—ang salitang binigyan niya ng bagong kahulugan sa social media account niya.Ronnie Carrasco III