Home ENTERTAINMENT Julia, hiwalay na raw kay Gerald, may jowang big time?

Julia, hiwalay na raw kay Gerald, may jowang big time?

317
0

Manila, Philippines – As of presstime ay pareho pang tikom ang bibig nina Julia Barretto at Gerald Anderson hinggil sa ilang buwan nang bulung-bulungan na break na sila matapos ang limang taong relasyon.

Pero ’ika nga, “When there’s smoke, there’s fire.”

Usap-usapan ngayon sa social media na ang Cignal HD Spikers player na si Vanie Gandler ang bagong apple of the eye ni Gerald. Lalo pang lumakas ang haka-haka nang makahulugan ang naging sagot ni Claudine Barretto, tiyahin ni Julia, nang makapanayam ni Ogie Diaz tungkol sa maingay na pagkaka-link ng Kapamilya actor sa magandang volleyball player.

Ani Claudine: “Basta hindi na ako nanonood ng PVL (Premier Volleyball League),” dahil daw sa mga ipinararating sa kanya ng mga “babies” niya sa volleyball tungkol kina Vanie at Gerald.

At kung si Gerald ay nali-link nga sa volleyball player, may nag-chika naman sa amin—mula sa isang reliable source—na isang big-time businessman na may skincare business ang bagong dyowa ni Julia.

Ayon sa source, pinadala pa sa kanya ang picture ng big-time businessman na nasa mid-30s.

Nang sinipat daw niya ang hitsura ng guy, guwapo ito at hindi nalalayo kay Gerald dahil bigotilyo at lalaking-lalaki ang tindig.

May hawig din ito kay John Lloyd Cruz, medyo mas may laman nga lang kumpara sa dating matinee idol.

Nang tanungin ang source kung gaano na katagal na boyfriend ni Julia ang nasabing businessman, sagot nito: “Recently lang, baka months pa lang.”

Nilinaw rin ng source na hindi ang guwapong big-time businessman ang dahilan ng hiwalayan nina Julia at Gerald.

May nakapag-chika rin na bagama’t hindi si Gigi de Lana (na-link din sa aktor) ang girl, totoo raw na may nabuntis na non-showbiz girl si Gerald.

Gayunpaman, gusto pa rin naming bigyan ng benefit of the doubt si Gerald dahil hindi tinukoy ng nag-chika ang pangalan ng non-showbiz girl.

Pero kung totoo ngang may kanya-kanya nang karelasyon sina Julia at Gerald, ano kaya ang masasabi ni Bea Alonzo, ang jowa ni Gerald bago si Julia?

May papalit na kaya sa one-liner niyang “Time is the ultimate truth teller?”

’Yun na!

JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here