Home ENTERTAINMENT Alma, tinawag na laos, nag-flex ng mga ambag!

Alma, tinawag na laos, nag-flex ng mga ambag!

270
0

Manila, Philippines – Pang-iinsulto ang napala ni Alma Concepcion matapos ipagtanggol ang kaibigang si Sylvia Sanchez laban sa mga basher na umaatake sa pamilya Atayde.

Damay si Sylvia sa hate sentiment ng ilang netizens matapos iugnay ang kanyang anak na si QC Rep. Arjo Atayde sa isyu ng korapsyon.

For her part, Alma took to her Facebook account to defend Sylvia and her family.

Dahil doon, si Alma naman ang pinagdiskitahan ng mga basher.

Tinawag siyang laos at nakikisawsaw sa isyu.

Naghihintay din daw siya ng grasya mula sa yaman ng mga Atayde.

Hindi ito pinalampas ni Alma at rumesbak sa kanyang mga basher.

Post niya sa FB: “Laos? At least sumikat, nakapag-ipon. Ikaw, nakaipon ka ba?”

Iginiit pa ni Alma na manalamin muna ang basher bago mamintas, sabay ipinagmalaki ang kanyang mga achievements sa buhay.

Aniya, nakatulong siya sa kanyang kapwa: “Ikaw, ano ang ambag mo sa mundo?”

Nakapagpaaral din daw siya ng kanyang mga kapatid.

As regards to her showbiz work, nagsisimula pa lang daw siya ay pinaalalahanan na siya ng kanyang ina na hindi ito forever.

Ang ginawa ni Alma ay nag-aral at nagpursigeng makatapos ng pag-aaral.

In fact, she finished Business and Interior Design courses.

Dagdag pa niya: “Kahit paano, nakapundar ako at may mga hanapbuhay pa rin!”

Hinamon pa ni Alma ang kanyang mga basher na hihintayin niya ang sagot ng mga ito sa mismong FB kung saan niya sila niresbakan.

Bago rito, flinex ni Alma ang mga litrato nila ni Sylvia na kuha sa resthouse nito sa Nasugbu noong October 18, 2021 bilang patunay na taong 2022 nang pumasok si Arjo sa local politics — kaya hindi umano katas ng pangungurakot ang mga ari-arian ng pamilya nito.

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here