Manila, Philippines – A Vilma Santos-Alden Richards movie together, why not?
Nitong nagdaang anibersaryo ng Mowelfund ay kapwa naging panauhin ang Star For All Seasons at Asia’s Multimedia Star.
Siyempre, hindi mawawala ang pagkuha ng picture sa kanilang dalawa na magkasama.
Pero para sa mga dumalo roon, their photo taken together wasn’t enough.
Ang mas inaabangan ay kung kailan magsasama sina Vilma at Alden sa isang pelikula.
Ayon kay Ate Vi, mismong ang Kapuso actor na rin ang nagsabi sa kanya na: “Gawa naman tayo ng movie together!”
Isa lang ang tiniyak na sagot ng aktres kay Alden: “Show me a script, at pag-aaralan ko!”
At this point daw kasi, ang mas matimbang daw kay Vilma ay ang script o ang kuwento ng pelikulang gagawin niya.
From there ay saka na lang daw niya aasikasuhin ang kanyang work schedule.
Matatandaang the 70-year-old actress was last seen in MMFF’s When I Met You in Tokyo opposite Christopher de Leon.
Tinanggap ni Vilma ang offer na ‘yon not because it was intended for the December filmfest but because tungkol ‘yon sa isang couple in their senior years, who happens to be
them in real life.
Pagkadinig daw ni Alden na willing si Vilma to do a movie with him, ang kasunod na linya ng aktor ay: “I can produce it!”
Oo nga pala, Alden is also into producing films via his Myriad Entertainment.
On Vilma’s part naman, it doesn’t matter kung ilalahok ang pelikula niya sa MMFF: “Umaarte lang kami, it’s the call of our producer. At siyempre, kung papalaring mapili!”
Kung kayo ang tatanungin, ano kaya ang kuwentong babagay kina Vilma at Alden? Ronnie Carrasco III