Home ENTERTAINMENT Alden, binisita si Sandara; Netizen, kinilig!

Alden, binisita si Sandara; Netizen, kinilig!

Manila, Philippines – Inuudyukang magsama sa isang TV project sina Alden Richards at Sandara Park.

May hatid kasing kilig factor ang dalawang larawang ipinost ng Korean singer-actress sa kanyang Instagram na magkasama sila ng Kapuso actor.

Dinalaw kasi ni Alden si Sandara sa set ng iho-host nitong K-pop reality show sa TV5.

Agad pinusuan ng mga netizens ang mga photos na ‘yon, wishing both to appear together in a show.

Puspusan nga ang paghahanda ni Sandara sa kanyang bagong career milestone.

Sa katunayan, maraming bagay daw siyang “tatablahin” to get herself more focused on her hosting stint.

Post ng well-loved Korean ng mga Pinoy fans: “No friends, no alcohol, no vacation, no rest!”

If she gets the chance, Sandara comes to the Philippines too often.

Kung lahi’y Koreana siya but she’s very Pinoy at heart.

Na-embrace na nga niya ang kultura dito, endearing herself to our kababayan.

May ibunga kaya ang pag-uurot ng mga netizens na pagsamahin sina Alden at Sandara in one TV show?

Isn’t Sandara identified more with ABS-CBN?

Paano kaya kung ito ang maging next collab ng Kapuso at Kapamilya?

Why not, ‘di ba? Ronnie Carrasco III