Home ENTERTAINMENT Alden, may paandar kay Xian!

Alden, may paandar kay Xian!

2
0

Manila, Philippines – Hinihinalang isang paraan ng “paghihiganti” ang ginawang paandar ni Alden Richards sa pagpunta sa Amanpulo para magbakasyon.

Ginawa kasi ito ng Kapuso actor matapos siyang akusahan ni Xian Gaza ng pagtangging ibalik sa tunay na may-ari ang tinitirhan niyang condo unit.

Bukod dito’y inisyu rin ni Xian ang anim sa sampung luxury watches na ayaw umanong isauli sa mayamang mag-asawa, na may-ari rin ng condo unit.

Ang latest, ipinasilip ni Alden ang mga ganap sa kanya.

Kabilang nga rito ang kanyang Amanpulo getaway—as reported on Metro Morning.

Halata kasing para sa mga can-afford lang ang pinuntahang beach ni Alden—and it can’t be anywhere else kundi Amanpulo.

Lalong tumibay ang hula ng mga netizen batay sa pahayag ni Alden sa nakaraang Shake, Rattle & Ball 2026 tungkol sa plano niyang magbakasyon doon.

Tulad ng alam ng lahat, ang Amanpulo ay isang exclusive at high-end island destination.

Ayon nga kay Alden: “Have a good time lang before I fly to my vacation tomorrow, Amanpulo. Solo lang. Solo.”

Kaya nga ang tanong—ipinamumukha ba ni Alden kay Xian that he’s capable of spending a fortune para hindi indahin ang mga paratang nito?

Sweet vengeance?

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here