Manila, Philippines- Kelan pa nagkaroon ng copyright ang pagkarga ng bata?
Ganito kasi kakitid ang mangilan-ngilang fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa kanilang walang habas na pamba-bash kay Alden Richards.
Namataan kasi si Alden sa mall at may itinutulak na stroller.
Meron ding isang photo kung saan makikitang may karga siyang bata believed to be his godchild o inaanak.
Akalain n’yo bang biglang nag-aklasan ang ilang KimPau fans?
Kesyo wala raw originality ang Kapuso actor na gaya-gaya sa rumored couple.
Kaya ang depensa naman ng mga tagahanga ni Alden, ang KimPau lang ba ang may karapatang kumarga ng bata?
Nakuha ba ng KimPau ang sole exclusive right na magpakita ng pagkalinga sa bata, at ang iba’y hindi puwede?
Good thing, napaka-petty ng issue para patulan ‘yon ni Alden.
FYl, magkakaibigan ang tingin ng tatlo sa isa’t isa–having the same leisurely activity in common: ang pamimisikleta.
Just last week, Alden and KimPau went cycling.
At pagkatapos ay sabay pa silang tatlo na kumain sa isang resto owned by their cyclist-friend.
Saka para maapektuhan si Alden, hay, he’d rather prep himself up sa pagho-host ng dance reality series na malapit nang mapanood sa GMA.
Titled Stars on the Floor, looking forward si Alden to working with the industry’s who’s who in dancing na magsisilbing judges sa mga celebrity contestants. Ronnie Carrasco III