Home NATIONWIDE Proclamation suspension vs Isabela vice mayoral bet inalis na ng Comelec

Proclamation suspension vs Isabela vice mayoral bet inalis na ng Comelec

303
0

MANILA, Philippines – Inalis na ng Commission on Elections (Comelec) First Division ang suspensyon ng proklamasyon ni Atty. Harold Respicio, na nanalo sa pagkabise-alkalde sa bayan ng Reina Mercedes Isabela, noong 2025 elections.

Ayon sa desisyon, na may petsang Hunyo 2, inatasan ng dibisyon ang muling pagpupulong ng municipal board of canvassers sa loob ng limang araw para sa proklamasyon ni Respicio.

Matatandaan na ipinag-utos ng Comelec em banc ang suspensyon ng proklamasyon ng 19 kandidato noong Eleksyon 2025 kabilang si Respicio habang hinihintay ang resolusyon ng mga reklamo na kanilang kinakaharap sa Comelec.

Si Respicio ay nahaharap sa reklamong cybercrime na inihain ng Task Force Katotohanan, Katapatan at Katarungan (KKK) sa Halalan ng Comelec dahil sa serye ng social media videos na sinasabing kaya niyang manipulahin ang resulta ng eleksyon.

Bukod dito, nahaharap din si Respicio sa disqualification case.

Naghain naman ng petisyon ang abogado sa Korte Suprema na kumikwestyon sa hakbang ng Comelec na suspindihin ang kanyang proklamasyon.

Samantala, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na dumating ang desisyon ng Comelec division kahit walang motion for reconsideration mula kay Respicio.

Nilinaw din ni Garcia na hindi ito nauugnay sa petition for certiorari na inihain ng abogado sa Mataas na Hukuman.

Paliwanag ni Garcia, walang relasyon sa inihain sa SC ni Repicio sa ginawa ng Comelec.

“Katulad ng aming ginagawa sa ibang mga kaso na nagkaroon ng suspension of proclamation- na nili-lift yung order pagkatapos pinapa-proklama nung nalaman na maaaring hindi naman ganoon kabigat ang kaso na kinakaharap niya,” sabi ni Garcia.

Sinabi ni Garcia na wala pa silang natatanggap na temporary restraining order o TRO laban sa desisyon ng en banc. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here