Home ENTERTAINMENT Alden, nagpakain sa mga nagmisa!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Alden, nagpakain sa mga nagmisa!August 24, 2025 14:022410 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Bihirang makatagpo ng isang Alden Richatds.Ito ang nagkakaisang realization ng mga netizens na walang pagsisidlan ang tuwa sa napakabuting gesture na ipinamalas ng Kapuso actor.May kaugnayan ito sa pagpapakain ni Alden sa mga umattend ng misa sa simbahan katapat mismo ng isang branch ng ineendorso niyang fastfood.In-upload ng isang Alden fan sa FB ang “resibo.”Video ‘yon kung saan makikita ang pari na nagsasalita pagkatapos ng misa.Ani pari: “Nais ko pong ipagbigay-alam na may distribution of food tayo sa mga nagsimba ngayon…”Mangyari daw na pumunta o mag-drive through ang mga churchgoers sa tapat mismo ng simbahan para sa pagkaing ipinamahagi ni Alden.Kitang-kita ang tuwa sa mukha ng mga umattend ng misa.As expected, bumaha ng mga papuri ang kindheartedness ni Alden.Kaya rin kayang gawin ‘yan ng ibang celebrity fast food endorsers?Wel… Ronnie Carrasco III