Home NATIONWIDE 3 patay, 2 kritikal sa pagsalpok ng van sa dalawang bahay sa...

3 patay, 2 kritikal sa pagsalpok ng van sa dalawang bahay sa Quezon

226
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang tatlong indibidwal habang kritikal naman ang dalawa iba pa, makaraang sumalpok ang isang pribadong van sa dalawang bahay na nasa gilid ng highway sa Barangay Abuyon, San Narciso, Quezon.

Sa report ng San Narciso Municipal Police Station, ang van ay galing sa town proper ng San Narciso at pauwi na sana sa Abuyon.

Sa hindi pa tukoy na dahilan ay inararo ng van ang dalawang bahay na nasa gilid ng highway na sa tindi ng pagsalpk ay halos mawasak ang van at dalawang bahay.

Tumilapon pa mula sa van ang mga biktima kung saan ang ilan sa mga ito ay idineklarang wala nang buhay.

Kinilala ang mga nasawi na sina Efren Belagosa 45, Florencio Lumanglas 62, at Merelyn Lumanglas, 57.

Wala namang nasawi o nasaktan sa mga residente ng dalawang bahay na inararo ng van.

Iniimbestigahan na ng San Narciso Municipal Police Station ang insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here