Home ENTERTAINMENT Alden, nagsilbing crying shoulder ni Ai Ai!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Alden, nagsilbing crying shoulder ni Ai Ai!December 21, 2024 12:45 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Binalikan ni Ai Ai de las Alas ang maituturing na ill-fated day sa buhay niya noong mismong 60th birthday niya.Ito ‘yung nakipaghiwalay sa kanya ang asawang si Gerald Sibayan na noo’y nasa US samantalang nasa bansa naman ang komedyana.Sa pamamagitan ng chat nangyari ang pakikipagkalas ni Gerald, 30 years her junior.May work din nang araw na ‘yon sa Ai Ai–taping ng All Out Sunday.But the show must go on, ‘ika nga.To somehow ease her pain, Ai Ai found a crying shoulder in Alden Richards na nakita raw niya nang araw na ‘yon.Humagulgol daw si Ai Ai pagkakita sa aktor who seemed clueless.“Bakit, Ms. Ai?” tanong daw ni Alden.Sagot ng komedyana, “Na-miss lang kita!”Later that day ay nagpadala raw si Alden ng mensahe sa kanya.Alden’s message read: “Ms. Ai, kung anuman ang pinagdadaanan mo, okey lang ‘yan!”Inamin naman ni Ai Ai in her guesting on Fast Talk with Boy Abunda last November 11 na ikinadurog ng kanyang puso ang desisyon ni Gerald.More than a month later since then, sinisikap ng Comedy Queen to start her life all over again–without Gerald this time.Kayang-kaya mo ‘yan, Ai Ai! Ronnie Carrasco III