Home NATIONWIDE 97K pasahero dumagsa sa mga port sa gitna ng Christmas exodus –...

97K pasahero dumagsa sa mga port sa gitna ng Christmas exodus – PCG

MANILA, Philippines- May kabuuang 97,346 pasahero ang naiulat sa lahat ng daungan sa buong bansa sa gitna ng Christmas exodus noong Biyernes ng umaga, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ng PCG na mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, 49,220 outbound at 48,126 na papasok na pasahero ang na-monitor sa mga daungan.

Mas mataas ito kumpara sa 20,024 outbound at 12,596 inbound na pasahero na naitala mula alas-12 ng umaga hanggang alas-6 ng umaga.

Sinabi ng PCG na 2,997 frontline personnel ang naka-deploy sa 16 Coast Guard districts at nag-inspeksyon sa 584 sasakyang pandagat at 554 motorbanca.

Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa pantalan, sinabi ng PCG na inilagay nito sa heightened alert ang mga distrito, istasyon, at sub-istasyon nito simula Biyernes hanggang Enero 3, 2025.

Ang mga mananakay ay maaring makipag-ugnayan sa PCG sa pamamagitan ng kanilang Facebook page o Coast Guard Public Affairs Service (0927-560-7729) para sa anumang katanungan, concerns, at clarifications kaugnay sa sea travel protocols at regulasyon sa panahon ng Pasko 2024. Jocelyn Tabangcura-Domenden