Home ENTERTAINMENT Alden Richards nabiktima ng P100M scam?

Alden Richards nabiktima ng P100M scam?

Manila, Philippines — Mainit na pinag-usapan sa programang Cristy Ferminute ang diumano’y pagkakabiktima ni Alden Richards sa isang malaking scam na nagdulot sa kanya ng matinding suliraning pinansyal.

Ayon kay Cristy Fermin, ang rebelasyon kamakailan ni Alden na “I hit rock bottom” ay maaaring konektado sa pagkawala umano ng mahigit P100 milyon ng aktor, na iniugnay sa isang scam. Inako pa raw ni Alden ang sisi, sa pagsasabing naging labis siyang selfless o mapagbigay.

Isa pang Kapuso actor, si Ken Chan, ay napasama rin sa usap-usapan. Ayon sa ulat, nakahiram umano si Ken ng P5 milyon kay Alden, at konektado raw ito sa mas malawak na isyu ng panloloko.

Sa ngayon, palaisipan pa rin kung paano nangyari ang naturang scam sa kabila ng pagiging masinop ni Alden sa paghawak ng kanyang finances, ayon sa mga host ng programa.

Nanatiling tahimik ang kampo ng dalawang aktor, at bukas ang Remate Online para sa kanilang panig hinggil sa kontrobersyal na usapin. Ronnie Carrasco III