Manila, Philippines — Isa na namang pangarap ang natupad para kay Kapuso actor Xian Lim—isa na siyang ganap na licensed commercial pilot.
Sa isang Instagram post, emosyonal na ibinahagi ng multi-talented actor ang milestone sa kanyang buhay:
“I can’t believe it… ang bilis ng mga pangyayari!”
Kasabay nito, pinasalamatan niya ang kanyang flymates at mga instructors na naging bahagi ng kanyang aviation journey. Nag-iwan din siya ng makabagbag-damdaming paalala sa mga kapwa nangangarap:
“You just have to have one person, one crew to tell you that you’ve got what it takes.”
Naniniwala si Xian na sapat na ang isang puso at isang matibay na layunin upang maabot ang pangarap—anumang larangan ito.
Samantala, kaabang-abang para sa kanyang mga tagahanga ang magiging unang commercial flight ni Xian bilang piloto.
Ang masayang balita ay inilabas ilang araw matapos ang isa sa pinakamalalang trahedya sa aviation nitong taon, nang bumagsak ang isang Air India flight sa isang residential area sa India. Mahigit 240 ang nasawi, at isang pasahero lang ang naiulat na nakaligtas.
Sa kabila ng balitang ito, mas pinili ni Xian na itaguyod ang mensaheng positibo—na sa kabila ng lahat, walang imposible sa patuloy na pagsusumikap at paniniwala sa sarili. Ronnie Carrasco III