Home OPINION ALISIN ANG CHARGER SA SAKSAKAN BAGO I-UNPLUG ANG MOBILE PHONE

ALISIN ANG CHARGER SA SAKSAKAN BAGO I-UNPLUG ANG MOBILE PHONE

522
0

KAPAG tapos na kayong mag-charge ng iyong mobile phone, alin ang dapat mong tanggalin muna, ang charger na nasa saksakan, o ang telepono mula sa charger?

Sabi ng mga eksperto sa teknolohiya, mas ligtas at mas mainam na tanggalin muna ang charger sa saksakan bago tanggalin ang celfone mula sa kable. Maaaring maliit na bagay ito sa paningin ng ilan, pero ang tamang pagkakasunod ng pag-unplug ay may epekto sa kaligtasan ng iyong device at pati na rin sa tibay nito.

Lalo na kung basa ang iyong kamay o nasa lugar na may kahalumigmigan, ang maling pag­hawak sa charger habang naka-saksak ay maaaring magdulot ng kuryente o ‘micro-shocks’.

May mga pagkakataon din na may mumunting spark kapag bigla na lang hinugot ang telepono habang naka-plug pa ang charger.

Kahit na may safety featu­res na ang mga modernong char­ger, dagdag proteksyon pa rin ang pag-prioritize ng tamang pag- unplug.

Ang baterya ang itinutu­ring na “puso” ng telepono. Kung ta­ma ang pag-aalaga rito, hindi lang hahaba ang araw-araw na gamit ng iyong phone kundi tatagal din ang kabuuang buhay nito.

Narito ang mga pamama­raan para mapangalagaan ang inyong charger:

– Iwasang i-charge hanggang 100% o hayaang maubos sa 0%, mas mainam na panatilihin sa pagitan ng 20% at 80% ang battery level. Ito ang ‘sweet spot’ ng lithium-ion batteries.

– Gamitin lamang ang orihinal o certified chargers dahil ang murang imitation chargers ay maaaring magdulot ng overheating at permanenteng sira sa baterya.

– Iwasan na iwanang naka- charge ng buong gabi kahit na may “auto-stop” ang charging, ang sobrang init na dulot nito ay nakakabawas sa tagal ng buhay ng baterya.

– Iwasang i-expose sa direktang tama ng araw o init habang naka-charge dahil ang init ay kalaban ng baterya.

– Patayin ang WiFi, Bluetooth at GPS kung hindi gina­gamit dahil kahit naka-idle, ku­mokonsumo pa rin ito ng power.

– I-activate ang “Battery Save Mode” dahil nakatutulong ito pa­ra mas mapahaba ang gamit ng inyong mobile phone sa isang charge lamang. Malaking tipid din sa konsumo ng kuryente.

Ang mga sirang baterya ay maaaring magdulot ng biglaang pag-shutdown, pagbagal ng per­formance, o mas malala pa, sobrang init at pamamaga ng unit na maaaring magdulot ng panganib. Ilang sunog na rin ang nagmula mula sa overcharging ng mobile phone.

Maliban sa baterya, kaila­ngan din na alagaan ang mismong charger, sa pamamagitan ng:

– Iwasang baluktutin o mahigpit na ibalot ang kable dahil nakasisira ito ng wire.

– Ilayo sa init o mabasa dahil maaaring magdulot ng short circuit.

– Regular na i-check ang charger kung may sira o punit sa kable, kailangang itigil na ang paggamit.

Pakatandaan, charger mu­na ang tanggalin sa saksakan bago ang mobile phone. Panatilihin ang baterya sa tamang antas, at alagaan ang iyong charger. Mula sa maliliit na hakbang, nabubuo ang mas ligtas, mas matibay, at mas matalinong paggamit ng teknolohiya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here