Home ENTERTAINMENT Alden, tambay sa bahay ni Kathryn!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Alden, tambay sa bahay ni Kathryn!May 14, 2024 17:271840 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Guess where Alden Richards loves to hang around these days?Siret?Sa bahay ni Kathryn Bernardo!Ito nga ‘yung bahay ng Kapamilya actress na bukod sa may hagdanan ay may swing pa.Most of the time nga’t lalo raw pag may libreng oras si Alden ay nagbababad ito sa baler ni Kathryn.Productive naman daw ang stay roon ni Alden nang ilang oras.The bedimpled actor daw serves as Kathryn’s private driving instructor.Hindi naman daw sila lumalayo kundi around the village lang.Take note, ang unang-unang nakakatyempo sa pagdating ni Alden sa bahay ni Kathryn ay ang hardinero nito.Pag nasulyapan na raw ng gardener ang aktor, automatic na raw na bumabati ito ng: “Good morning, sir!”Kaya naman daw ang saya-saya ng atmosphere sa bahay.“Akala mo piyesta dahil ‘yung mga kasambahay, kilig na kilig pag bumibisita si Alden lalo na pag tiningnan sila nito!” korus ng mga ito.Ang maganda pa raw kay Alden ay ang maamo nitong mukha, na kahit hindi ngumingiti ay para na rin daw naka-smile.Ayon pa rin sa mga kasambahay, ngayon na lang daw uli nila nakitang masaya si Kathryn.Entonces, huwag nang ipagpilitang ginagamit lang ni Alden ang aktres for his personal gain! Ronnie Carrasco III