MANILA, Philippines- Aabot sa 11 milyong kabataang Pilipino ang kasalukuyang hindi pumapasok sa eskwelahan.
Base sa Philippine Statistics Authority (PSA), sa 42.8 milyong Pilipinong edad lima hanggang 24 taon, 10.7 milyong indibidwal ang natukoy na out-of-school children at youth.
Mula ito sa 2020 Census of Population and Housing na isinagawa ng PSA.
Batay sa datos, 16.48 milyon (51.4 porsyento) ng populasyon na hindi pumapasok sa paaralan ay kalalakihan, habang ang natitirang 15.59 milyon (48.6 porsyento) ay mga kababaihan.
Base sa PSA, naitala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang pinakamababang school attendance rate na 64.5 prsyento. RNT/SA