Home ENTERTAINMENT Alden, tumakbk sa Ayala, pinagkaguluhan!

Alden, tumakbk sa Ayala, pinagkaguluhan!

Manila, Philippines- Nag-trending sa X ang pagtakbo ni Alden Richards.

Nasaksihan ito ng maraming dumagsa sa Ayala Avenue sa Makati City para sa Sunday run na linggu-linggo palang nilalahukan ng Kapuso actor.

Kesehodang gulo-gulo ang buhok ni Alden at pawisan ay sige sa pagpapa-selfie ang nga fans sa kanya, na magiliw naman niyang pinaunlakan.

Bale ba, supposedly ay pitong kilometro lang ang tatakbuhin ng Asia’s Multimedia Star along Ayala Avenue pero naging 15 kilometers ito.

Marami nga sa mga tao roon ay hindi talaga lumahok sa Sunday run kundi nakaabang hindi lang kay Alden kundi maging sa ibang celebrities na bahagi ng weekly event.

Ang nakakaloka, nasilipan ng malisya ang pagtakbo ni Alden.

May guwapo rin kasing runner na nakasabay niya.

Naughty minds expectedly got the better of some netizens.

Buti na lang, hindi ‘yon pinatulan ni Alden.

Asahan nang lalong dadagsain ng mga spectators ang event na ito from hereon.

Thankfully, walang mga unruly fans na kadalasa’y nagte-take advantage sa mga artista sighted in public.

Pero mabuting nag-lingat na rin ang mga personalidad sa mga taong may masamang hangarin. Ronnie Carrasco III