Home ENTERTAINMENT AlDub fans, di pa rin tumitigil!

AlDub fans, di pa rin tumitigil!

Manila, Philippines -Pinalagan ng mga kabilang sa nag-e-exist pang AlDub Nation ang napipintong screen partnership uli nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Word has it na tuloy na tuloy na ang sequel sa kanilang matagumpay na Hello Love Goodbye.

The said project would have kicked off, kaso’y nanalasa ang pandemya so it had to be shelved.

All systems go na nga ang Part 2 nito lalo’t isang malaking patunay ang presensya ni Alden sa nakaraang birthday celebration ni Kathryn.

Nauna nang um-attend ang Kapuso actor sa pagdiriwang on a yacht in Palawan.

Nag-“take 2” si Alden nang sumipot uli sa post-birthday event with matching gift and bouquet of Ecuadorian roses for Kathryn.

Dito na muling nabuhay ang AlDub Nation, this time warning Kathryn never to get close to Alden.

Sa X ay makakatisod ka ng nga comments ng mga AlDub fans who resent the KathDen screen tandem.

Kesyo, hindi raw ba aware si Kathryn na may “asawa’t anak” ang Kapuso actor?

Ang asawang tinutukoy ng mga ito’y siyempre pa walang iba kundi si Maine Mendoza.

Hanggang ngayon ay pinagpipilitan pa rin ng mga ito na may anak sina Alden at Maine.

Babala pa ng mga ito kay Kathryn, kung may natitira pang self-respect sa kanyang pagkatao ay siya na mismo ang gagawa ng paraan para umiwas kay Alden.

Sa halip na mabuwisit ay sinakyan pa ito ng mga netizens na malawak ang pang-unawa.

Sinang-ayunan ng mga ito ang pag-iwas ni Kathryn kay Alden or else ay ipagtitirik siya ng kandila ng AlDub Nation.

Good thing, kapwa tahimik lang sina Alden at Kathryn sa ilusyon ng mga AlDub fans! Ronnie Carrasco III