Home ENTERTAINMENT Mall show ni Janella, na-postpone, sinagot ang isyu kay Kim!

Mall show ni Janella, na-postpone, sinagot ang isyu kay Kim!

Manila, Philippines – Mas nanaig ang pagiging doting mom ni Janella Salvador nang mas pinili nitong i-postpone na lang ang kanyang scheduled mall shows sa Bulacan at Pampanga.

Supposedly para sa promo ng kanyang pelikula kasama ang Thai actor na si Win Metawin, Janella had to call off her prior commitment.

Nagkaroon kasi ng asthma attack ang kanyang anak na si Jude.

Ayon sa kanyang Instagram post nitong April 5, ang nakaraang 48 oras daw ay parang bangungot sa kanya dahil nga sa sinapit ng anak.

Umaasa naman ang singer-actress “that Baby Jude will bounce back even stronger in no time.”

Nais pa naman daw niyang maka-bonding ang kanyang mga tagahanga.

Maging ang Studio 28 na producer ng pelikula niyang Under Parallel Skies ay humingi ng paumanhin dahil sa na-postpone na mall shows.

Showing na kasi ito nationwide bago ang third week ng buwang ito.

Kung matatandaan, si Baby Jude ay isinilang ni Janella sa England.

Anak niya ito kay Markus Paterson.

Bagama’t hiwalay na sila ay maayos naman ang kanilang setup pagdating sa kanilang anak.

Samantala, mariing itinanggi ni Janella na “binastos” niya si Kim Chiu sa kanyang promo guesting sa It’s Showtime.

Nang hingan kasi ng sample si Janella ay nagdayalog ito ng: “Paos ako, kayo na lang!”

Popular joke aniya ‘yon sa mga taong malalapit sa isa’t isa.

Besides, never daw niyang naging intensyong mambastos ng kahit sinong host ng show lalo’t siya nga raw itong humihingi ng pabor. Ronnie Carrasco III