Home ENTERTAINMENT Sharon, flinex ang bahay sa south!

Sharon, flinex ang bahay sa south!

Manila, Philippines – Hangga’t maaari ay pinipigilan pala ng kanyang mga anak si Sharon Cuneta na isapubliko ang exact location ng ipinagagawa nitong bahay.

Basta, ang lagi lang namumutawi sa bibig ng Megastar ay “my house in the south.”

Understandable nga naman ito for security reasons o para sa kaligtasan ng kanyang pamilya.

Sharon and Kiko are both public figures pa naman.

Ayon kay Sharon, malapit na raw matapos ang construction nito.

Hangga’t maaari raw ay nais ng singer-actress na doon na rin sana tumira ang magiging pamilya nina Frankie at Miel.

Sina Frankie at Miel ay mga anak ni Sharon kay Kiko.

May adopted child din sila named Miguel.

Sharon wants all her children’s future families to fit in the house.

Kung sakali naman daw gustong bumukod nina Frankie at Miel, then Miguel can take his future wife home: “Mag-bowling sila du’n. Mag-skating!”

In that case, ganoon nga kalaki ang property na ‘yon.

Kunsabagay, even Sharon had wanted a big bedroom for herself.

Kasama rin ba si KC, her only child by Gabby Concepcion, na gusto ni Sharon na kasamang tumira roon?

“Of course but I think KC has only plans for herself. So, I might use her room for something else.”

For now, Sharon stays at a condo which is two buildings away from their old house on Paraiso St., Dasmariñas Village. Ronnie Carrasco III