Home NATIONWIDE Easterlies magdadala ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan

Easterlies magdadala ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan sa bansa ang easterlies ngayong Sabado, Abril 6.

Ang Davao Region, SOCCSKSARGEN, Zamboanga del Sur, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi ay magkakaroon ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa easterlies.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies at localized thunderstorm. RNT/JGC