Home HOME BANNER STORY Alegasyon pangingikil, sinagot ni Garcia

Alegasyon pangingikil, sinagot ni Garcia

218
0

MANILA, Philippines – Mariing itinanggi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia ang alegasyon ng dating congressional candidate ng unang distrito ng Bohol na si Atty. Jordan Pizzaras na siya umano’y nangikil ng P300 milyon kapalit ng tiyak na panalo sa nakaraang halalan.

Giit ni Garcia, posibleng mali ang pagkakaintindi ni Pizzaras sa naging sagot niya sa isang tanong, o sadyang pinalabas umano ng dating kandidato na ito’y extortion upang siraan siya.

“Sinagot ko lang ang tanong kung magkano ang karaniwang ginagastos ng isang tumatakbong kongresista. Hindi ito nangangahulugan ng panghihingi ng pera,” ani Garcia sa panayam.

Kaugnay nito, iginiit ng Comelec chairman na hindi niya itinatanggi ang naging courtesy call ni Pizzaras sa kanyang opisina noong Oktubre 2024.

Aniya, bukas ang kanyang tanggapan sa mga reklamo at tanong mula sa mga kandidato, at may mga nakasaksi pa umano sa naturang pag-uusap.

Kinuwestiyon din ni Garcia ang timing ng reklamo. “Kung totoo na may nangyaring bribery noong nakaraang taon, bakit ngayon lang siya nagsampa ng kaso sa Korte Suprema?” tanong niya.

Matatandaang naghain si Pizzaras ng petition for disbarment at certiorari with mandamus sa Korte Suprema, kung saan inakusahan niya si Garcia ng pangingikil at pagiging malapit umano sa ilang political families sa Bohol.

Wala pa namang pahayag ang Korte Suprema kaugnay sa naturang petisyon. Jocelyn Tabangcura Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here