Home ENTERTAINMENT Alessandra, nagbago ang pananaw sa pag-ibig!

Alessandra, nagbago ang pananaw sa pag-ibig!

Manila, Philippines – Wari’y sinisisi ni Alessandra de Rossi ang mensahe na maraming romantic films na ating napapanood.

She used to believe na pag in love daw ang isang tao’y handa siyang ibigay ang lahat sa kanyang minamahal.

“Mali pala ang itinuturo ng mga napapanood nating pelikula!” sabi ni Alex (palayaw) niya.

Maging ang pananaw niya involving unmarried women na sinasabing malungkot ang buhay ay nagbago rin.

Hindi naman daw sukatan ang pagkakaroon ng relasyon para masabing fulfilled ang isang babaeng hanggang ngayo’y single pa rin.

Alex cites herself as a living example.

Katwiran ng aktres, marami raw landas na maaaring tahakin for an unmarried woman to enjoy a fulfilling life experience.

O maging ang mga babaeng walang anak o walang kakayahang magkaanak.

But this is not to say na ayaw niyang magkaroon ng anak in the future.

Iba pa rin daw ang joys of motherhood.

Sa ngayon, the award-winning actress has her niece to contend with.

Ito ‘yung anak ng kanyang Ate Assunta who she sees at least once a week.

Nagbago raw ang buhay ni Alex sa pagsulpot ng pamangkin in the sense na nadagdagan ang kanyang ipinagdarasal.

May “impact” na rin daw sa kanya ngayon ang mga laruang pambata na dati-rati’y nilalampas-lampasan lang niya’t ‘di pinapansin.

“Ay, gusto ‘to ng pamangkin ko!

“Ganu’n na ako ngayon unlike before when these toys didn’t mean anything to me at all,” aniya.

Kung mapapansin, Alessandra shares her outlook on a woman’s happiness even with Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Nailrita kasi si Pia sa tuwing inuusisa kung kailan siya magbubuntis sa asawang si Jeremy Jauncey.

As Pia would always say, ang pagkakaroon ng anak ay hindi dapat maging pamantayan ng level of fulfillment ng isang married woman. Ronnie Carrasco III