Home ENTERTAINMENT Sen. Grace, nag-walkout sa bday ni Gloria?

Sen. Grace, nag-walkout sa bday ni Gloria?

Manila, Philippines – Medyo belated na ang topic na tinalakay ni Jobert Sucaldito kasama ang kanyang co-host sa online show na OOTD na si direk Chaps Manansala.

May kaugnayan kasi ang topic nila sa 90th birthday celebration ni Gloria Romero.

December 16 ang kaarawan ng isa sa mga Reyna ng Pelikulang Pilipino.

Punong-abala siyempre ang kaisa-isa niyang anak at dating nag-aartistang si Maritess Gutierrez.

Nagsilbing host sa naturang star-studded affair ay si Butch Francisco, being close to Gloria and other senior stars.

Isa sa mga invited guests ay si Senator Grace Poe, anak ng isa ring movie queen na si Susan Roces.

Ayon kay Jobert, isa sa mga dumalo roon ang nagbalita sa kanya tungkol sa umano’y pagwo-walk out ng senadora.

Tila hindi raw nagustuhan ni Poe ang paraan ng pag-i-introduce kay Gloria.

Ang adjective daw kasing ginamit ni Butch referring to the nonagenarian actress ay “the real queen of Philippine movies.”

Habang nagpapalakpakan daw ang mga bisita roon ay bigla na lang tumayo si Poe at nag-walk out.

Nagkatinginan daw ang mga bisita when Poe stood up and headed out.

Sa Sampaguita ng mga Vera-Perez ang venue ng affair.

Jobert couldn’t help but share his thoughts about the lady solon’s walkout scene.

Hindi naman daw kasi porke Butch addressed the birthday celebrant as the real queen, ibig sabihi’y etsa-puwera na ang mga tulad nina Susan at Amalia Fuentes.

Nagkataon lang na buhay pa rin si Gloria of the queens during the 50s.

Respeto man lang daw kay Gloria ang makitang nakipalakpak din daw si Poe.

After all, she got invited.

Higit sa lahat, she was sent an invitation hindi para insultuhin o menosin ang kanyang yumaong ina.

Bukas ang Remate Online para sa panig ni Senator Grace Poe. Ronnie Carrasco III

Previous article11 suspected NPA pinakakasuhan ng terorismo ng DOJ
Next articleAlessandra, nagbago ang pananaw sa pag-ibig!