Home ENTERTAINMENT Alessandra, nagkakasakit sa pagiging kontrabida!

Alessandra, nagkakasakit sa pagiging kontrabida!

Manila, Philippines – Sa punto ngayon ng career ni Alessandra da Rossi, she can call the shots.

Sa madaling salita, the award-winning actress can be picky with roles offered to her.

Sa katunayan, as she “begins her life at 40” next year ay sumumpa siya sa kanyang sarili na hindi na raw siya tatanggap ng kontrabida roles.

Katwiran niya, nagkakasakit daw siya.

Ewan kung may clinical basis ang tinuran ni Alex (palayaw niya) na pag galit daw ang isang tao particular in her case ay nagiging acidic daw siya.

Bukod dito’y nagkakaroon din daw siya ng palpitation.

At para maiwasan na raw ang pakiramdam na ‘yon which is affecting her health condition, goodbye to contravida roles!

Tabla na rin daw kay Alessandra ang tumanggap ng teleserye.

Panigurado naman kasing ooffer-an siya to play a baddie kung saan she’s very good at.

Again, para maiwasan din ‘yon ay mas gusto na lang daw niyang tumanggap ng film offers.

Such is the movie Firefly, isang magical fantasy sa ilalim ng GMA Pictures.

In the film, Alex plays mom to a 10-year-old boy.

Ang ikinagusto raw niya sa nasabing proyekto ay ang direktor nitong si Zig Dulay, the same guy who helmed Maria Clara at Ibarra.

Lumalabas na ang “no more villainess roles” stand ni Alessandra ay regalo niya sa kanyang sarili at 40. Ronnie Carrasco III