Home NATIONWIDE Pinas magtatayo ng karagdagang military-civilian bases – Teodoro

Pinas magtatayo ng karagdagang military-civilian bases – Teodoro

369
0

MANILA, Philippines- Magtatayo ang Pilipinas ng mas maraming bases para sa military at civilian agencies para protektahan ang archipelagic baselines ng bansa.

“Wala pang napag-usapan na ganoon. Pero Philippine bases, definitely magdadagdag tayo,” ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa isang panayam.

Tinanong kasi ang Kalihim kung magtatakda ang Pilipinas at Estados Unidos ng mas maraming EDCA sites bunsod na rin ng agresibong aksyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS).

Inamin ng Kalihim na sa ngayon ay hindi pa nila madetermina ang lokasyon ng posibleng bagong bases subalit inatasan na nito ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magtayo ng  archipelagic baselines ng bansa.

“Ito ay magiging joint Coast Guard, Philippine Navy or Philippine Air Force, at civilian sites kasi kinakailangan natin protektahan ang ating baselines,” ayon pa rin kay Teodoro.

“The planning and groundwork for the additional Philippine bases will start next year,” dagdag na wika nito.

Kamakailan lamang ay inalis ng Pilipinas ang floating barrier na inilagay ng Chinese Coast Guard (CCG)  sa timog-silangang bahagi ng Scarborough Shoal.

Ang pagtanggal sa floating barrier ay tugon sa naging kautusan na nina  Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. at National Security Adviser Eduardo Año, pinuno ng  National Task Force para sa WPS.

Samantala, sinabi naman ni Chinese Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin na inilagay ng Tsina ang floating barrier para pigilan ang Philippine vessel mula sa sinasabing ‘trespassing’ sa  Scarborough Shoal. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here