Home HOME BANNER STORY Labor group nanawagan ng P150 legislative wage hike

Labor group nanawagan ng P150 legislative wage hike

MANILA, Philippines- Nanawagan ng nationwide P150 legislative wage increase ang labor group sa Central Luzon sa layuning matugunan ang mga pagkakaiba sa sahod sa rehiyon.

Ito ay matapos ianunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inaprubahan ng mga wage board sa Central Luzon, Cagayan Valley, at SOCCSKSARGEN ang pagtaas ng daily minimum wages, na nakinabang sa kabuuang 682,117 minimum wage earners.

Sinabi ni Melanie de Dios, chairperson ng Trade Federation for Garments and Textiles of the Federation of Free Workers (FFW), bagama’t malugod nilang tinatanggap ang P40 na dagdag para sa mga manggagawa sa non-agriculture, agriculture, at retail/service establishments sa Central Luzon, dapat magkaroon ng disenteng antas ng pamumuhay para sa lahat ng manggagawa sa bansa.

Sakaling aprubahan, ang bagong sahod sa mga lalawigan ng Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales ay magiging P493 hanggang P500 para sa mga manggagawa sa mga non-agriculture establishments, P454 hanggang P470 para sa mga manggagawa sa sektor ng agrikultura, at P475 hanggang P475 sa P489 para sa retail at service workers.

Samantala, ang bagong rate sa Aurora province ay dapat P449 para sa non-agriculture, P422 hanggang P434 para sa agriculture, at P384 para sa retail at service workers.

Sa kabila nito, binigyang-diin ng FFW na ang mga pagkakaiba sa sahod sa pagitan ng mga rehiyon ay “naging isang matinding alalahanin para sa mga manggagawa at mga unyon ng manggagawa.” Jocelyn Tabangcura-Domenden