Home ENTERTAINMENT Alex, ‘di sumasagot sa buntis isyu!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Alex, ‘di sumasagot sa buntis isyu!May 10, 2026 07:30870 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – “Al po ‘yan…Hehehe!”Ito lang ang isinagot ni Alex Gonzaga nang may mag-forward sa kanya na litrato kasama ang asawang si Lipa City Vice Mayor Mikee Morada.Sa forwarded photo, mapapansing malaki na ang kanyang baby bump.Pero obyus namang kagagawan ‘yon ng Al o Artificial Intelligence.Of late, nakakaintriga kasi ang post ni Alex noong nakaraan.May pahiwatig kasi itong nagdadalantao siya.Pinagdudahan din kasi ang edited caption niya sa kanyang Instagram post at tinanggal ang salitang “little” life.Nang kulitin ay hindi na sumagot si Alex, even those who are close to her have no idea.Gayunpaman, maraming fans ang excited para sa kanya kung totoo ngang buntis siya.Umabot sa more than 300k ang nag-like at mahigit 2k ang nag-comment na happy sila.llang celebrities din ang masaya for Alex–the likes of Isabel Oli, Jessy Mendiola, Bayani Agbayani at Charee Pineda. Ronnie Carrasco III