Home SPORTS Alex Eala sinabing ‘surreal moment’ ang pagdadala ng watawat ng PH sa...

Alex Eala sinabing ‘surreal moment’ ang pagdadala ng watawat ng PH sa SEA Games

324
0

BANGKOK, Thailand — Nasa cloud nine pa rin ang Pinay tennis ace Alex Eala matapos ang buong pagmamalaking bitbit ang watawat ng bansa sa 33rd Southeast Asian Games opening ceremony nitong Martes.

Si Eala ay isa sa mga flag-bearers ng bansa kasama ang Alas Pilipinas men’s team captain na si Bryan Bagunas sa parada ng mga atleta na ginanap sa Rajamangala National Stadium sa Bangkok, Thailand.

“It was surreal! Nakatulong din na nandoon si Kuya Bryan [Bagunas]. I think it was just good vibes to be with the whole delegation, and I am so blessed. It’s an experience of a lifetime,” ani ng 20-year-old tennis star.

Pinangunahan nina Eala at Bagunas ang delegasyon ng bansa sa opening ceremony, na nakasuot ng mga barong.

Ang ama ni Alex na si Mike ay isang proud na ama habang pinapanood muli ang 20 taong gulang na gumawa ng kasaysayan, habang tinutupad ang kanilang mga pangarap bilang isang pamilya.

“Sobrang happy. It was a dream since she was a kid to see her carry the national colors. It’s a dream come true. Grabe. I am speechless,” wika nito.

Si Alex ay nagbibigay ng lakas sa Philippine national tennis team, na magsisimula ng aksyon sa women’s team event.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here