Manila, Philippines- Kung tutuusin, long overdue na ang pagbili ni Alex Gonzaga ng bagong sasakyan bilang regalo sa kanyang asawang pulitiko, si Mikee Morada.
Kung ilarawan nga ng actress-vlogger ang kanyang betterhalf–matipid.
Kung ‘di ba naman, ang gamit-gamit na kotse raw ni Mikee–na dapat sana’y for personal use–ay ginagamit pa ng staff nito.
At take note, 2017 pa raw ito nabili ni Mikee–anong petsa na?
To augment this, ayon kay Alex ay nag-acquire ang kanyang asawa ng sasakyan noong 2019.
Pero kumustahin n’yo naman kung anong model–2002!
Hayun, mas madalas pa raw tumirik ‘yon kesa magamit.
Ang ending: dahil nga sa awa kay Mikee ay ibinili na niya ito ng brandnew Totyota Innova.
“Deserve naman niya ‘yon kesa naman ‘yung 2002 model na dapat, eh, nasa museum na!” sey ni Alex.
Kasama ng kanyang pagbibigay ng naturang regalo’y hindi nakaligtaan ni Alex na itawid ang kanyang mensahe para sa mister.
Alex assures her husband that she’s just around to support his journey “lalung-lalo na sa landas mong tatahakin.”
Obyus na ang political career ni Mikee ang tinutukoy ni Alex partikular ang higher post na inaasinta nito.