Home NATIONWIDE Utang ng PH gov’t bumaba sa P15.55T noong Agosto

Utang ng PH gov’t bumaba sa P15.55T noong Agosto

MANILA, Philippines- Bumaba ang utang ng pamahalaan sa P15.55 trilyon sa pagtatapos ng Agosto, pangunahing iniuugnay sa “revaluation effect” ng pagtaas ng halaga ng piso at net repayment ng external debt, base sa Bureau of the Treasury (BTr) nitong Martes.

Ipinakita ng BTr na bumaba ang total state obligations ng P139.79 bilyon noong Agosto, mas mababa ng 0.9 porsyento mula sa nakaraang buwan.

Kumpara noong nakaraang taon, tumaas ang debt load ng 8.4 porsyento, o karagdagang P1.2 trilyong utang noong Agosto.

Sa overall debt stock, 69.40 porsyento ang domestic securities habang 30.60 porsyento ang external obligations. RNT/SA