MANILA, Philippines- Iniulat ng Commission on Filipinos Overseas (CFO) ang pagtaas ng intercultural marriages sa pagitan ng mga Pilipino at ibang lahi mula noong 2022.
Sa isang public briefing nitong Martes, sinabi ni CFO Secretary Romulo Arugay na mayroong nasa 6,500 registered marriage migrants mula 2022.
“Sa totoo po ay mataas na po ang antas ng marriage migrants since 2007, at naantala lang po noong nagkaroon ng pandemya,” anang opisyal.
Mula 1989 hanggang 2022, lumalabas sa CFO data na mayorya o 32.2% ng registered intercultural marriages ang nakaugat sa personal introductions.
Sinundan ito ng 22.2% na pagkakakilala sa place of work, habang 20.7% ang nagkakilala sa pamamagitan ng pagiging penpals.
Ang United States of America ang top destination para sa Filipino marriage migrants sa kabuuang 261,272 migrants, sinundan ng Japan sa 128,280 migrants at Australia sa 44,340 migrants.
“Yung mga pros and cons ay tatalakayin [sa] one-on-one guidance and counselling program ng aming councilor… Ngayon after that, [ka]pag nakita nila na okay naman ang naging usapan nila, bibigyan na natin sila ng digitalized certificate na she or he underwent yung masusing guidance counselling program dahil po, pagka hindi siya dumaan sa ganon, maaantala ang kaniyang biyahe at mabubump off po siya sa immigration,” ani Arugay. RNT/SA