Home ENTERTAINMENT Alex, nakunan uli, 3rd time na!

Alex, nakunan uli, 3rd time na!

Manila, Philippines – Tinanggap na rin nang maluwag sa dibdib ng mag-asawang Mikee Morada at Alex Gonzaga ang masaklap na katotohanang nakunang muli ang huli.

Ikatlong beses na ang nangyaring miscarriage na ‘yon kay Alex.

Ito mismo ang pinaksa sa vlog ng ate ni Alex na si Toni Gonzaga from the point of view ni Mikee.

Kallan lang daw ito–nang matuklasan ng mag-asawang “made in Singapore” ang dapat sana ay anak nila ni Alex.

Sa una’t ikalawang linggo raw ay okey pa ang resulta ng ultrasound ni Alex.

Naging maingat daw kasi ang Morada couple, determined to keep the baby.

Sa sumunod na ultrasound ay “blighted ovum” lang ang naging resulta.

Sa ikaapat ay may laman na raw, pero mababa ang heartbeat nito–nasa 65 lang.

Kinalauna’y nagkalaman na raw ang embryo pero sadyang may diperensya sa heartbeat–dahilan para tuluyan na itong nawala.

Nilakasan pa nga raw ni Alex ang kanyang loob nang malamang ‘di na naman sila nagtagumpay.

Pero bandang gabi’y nag-break down na ito.

Ayon kay Mikee, in fairness, his wife tried her darnest best.

Maging si Toni’y hindi na rin napigilang maiyak para sa kapatid.

Harinawa’y makabuo na ang Morada couple lalo’t ito ang kanilang end goal this 2025! Ronnie Carrasco III