Home ENTERTAINMENT JK, nag-reach out sa ama, blinock!

JK, nag-reach out sa ama, blinock!

Manila, Philippines – Hindi ikinaila ni JK Labajo na lumaki siyang hindi nakagisnan ang pagmamahal ng isang ama.

Ang grandmother daw kasi niya ang nagtaguyod sa kanya.

Ito rin daw ang naging kabalikat niya sa pagtupad ng kanyang pangarap na maging isang matagumpay na singer at aktor.

Growing up, nag-try daw siya na mag-reach out sa German father na may sarili nang pamilya.

Nang magpakilala raw siya through messenger, blinock daw siya ng ama.

Kahit nasaktan, sinikap daw niyang mag-move on sa buhay niya.

Napagod na rin daw siya sa paghahabol sa ama.

Gayunpaman, hindi raw naman niya naramdaman na kulang siya.

Bagkus, nagpapasalamat siya sa nag-uumapaw na pagmamahal ng kanyang lola at mga kaibigan.

Sey pa niya, hindi naman daw niya isinasara na posibleng ma-meet ang ama sa hinaharap bagamat ipinauubaya na lang daw niya ang lahat sa tadhana.

Sa nasabing panayam, inamin din ni JK na bubog daw para sa kanya ang naging karanasan nang magkaroon sila ng di pagkakaunawaan ni Darren Espanto na bagama’t di tinumbok ang pangalan ay obvious na iyon ang kanyang tinutukoy.

Hindi raw kasi nagsimula sa kanya ang gay insinuations sa dating kaibigan.

Katunayan, minessage pa raw niya noon si Darren para magpaliwanag.

Nagulat na lang daw siya sa naging emote nito sa socmed dahilan para makuyog siya nang husto.

Open daw naman siya sa reconciliation sa dating Voice Kids finalist.

Gayunpaman, ayaw daw naman niyang ipilit ito kung hindi naman kumportable si Darren.

Nilinaw din niya na hindi siya homophobic dahil marami naman siyang mga kaibigan at kakilala sa LGBTQA+ community. Archie Liao