Home ENTERTAINMENT Alex, sinabihang ‘saksakan ng bobo’!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Alex, sinabihang ‘saksakan ng bobo’!August 13, 2025 15:002550 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Nagsasabi lang ng totoo.Ganito lang naman ang ginawa ni Bayani Agbayani nang ikumpara ang magkapatid na sina Toni at Alex Gonzaga.Harap-harapan kasi’y nagpakatotoo lang ang komedyante when he drew a glaring comparison between the celebrity sisters.Kapwa nakatrabaho na ni Bayani sina Toni at Alex.Kumbaga, it afforded Bayani the chance to get to know them better.Mas madalas nga lang magkasama sa work sina Bayani at Alex tulad ng sa l Can See Your Voice at Tropang LOL.Diretsahang pinuri ni Bayani kung gaano katalino si Toni.Opposite daw ito ni Alex na “saksakan nang bobo” at “satsat nang satsat pero wala namang laman ang utak”!Matatandaang madalas magkapikunan sina Bayani at Alex, pero hindi naman nauuwi sa seryosohan.Pero sa tindi ng mga salitang binitawan ni Bayani, makuha pa kayang ngumiti ni Alex?O para sa kanya’y joke lang ‘yon ni Bayani?Lest Alex forget, there’s always a tinge of truth in every joke.Truth hurts din. Ronnie Carrasco III