Home ENTERTAINMENT Sandro, may nilinaw, invited sa GMA Gala!

Sandro, may nilinaw, invited sa GMA Gala!

231
0

Manila, Philippines – Invited.

Hindi kinaligtaang anyayahan si Sandro Muhlach na dumalo sa nakaraang GMA Gala.

In an earlier interview, binanggit ni Sandro na pinadalhan siya ng invite sa taunang event.

‘Yun nga lang, nagdadalawang-isip ps siya ng time na ‘yon if he would show up.

Obyus naman ang reservations ni Sandro.

Hindi lingid sa publiko ang idinulot na trauma ng pag-attend niya last year sa mga kamay ng kanyang rapists.

Ito ang paksang tinalakay nina Ogie Diaz sa Showbiz Update.

Ayon mismo kay Ogie, sinadya ni Sandro na hindi dumalo para hindi na maalala pa ang nangyari.

Siyempre nga naman daw, had he shown up ay dudumugin lang siya ng mga mag-iinterbyu sa kanya.

In effect, manunumbalik lang sa kanyang alaala ang sinapit kina Jojo Nones at Richard Cruz.

Despite his absence, naroon naman bilang proxy ni Sandro ang nobyang si Shanelle San Agustin. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here