Home NATIONWIDE Alice Guo, atbp pinakakasuhan sa pagbalewala sa subpoena ng Senado

Alice Guo, atbp pinakakasuhan sa pagbalewala sa subpoena ng Senado

132
0

MANILA, Philippines- Hiniling ni Senador Sherwin Gatchalian sa Senado na magsampa ng kaso laban kay suspended Mayor Alice Guo at iba pang indibidwal sa paglabag sa Article 150 ng Revised Penal Code o disobedience to summons issued ng national assembly.

Iminungkahi ito ni Gatchalian laban sa patuloy na pag-iwas ni Guo sa arrest order na ipinalabas ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality dalawang linggo ang nakaraan.

“Muli, wala dito si Alice Guo at kahit na hinahanap na po siya ng ating kapulisan at ‘yung ating sariling OSAA (Office of the Sergeant-At-Arms) nakikipag-coordinate sa NBI, sa PNP, at alam ng buong Pilipinas na meron siyang arrest order na nilabas ng Senado pero hindi pa rin siya nagpapakita dito,” ayon kay Gatchalian sa ginanap na pagdinig sa illegal POGO hubs.

“May I suggest that the committee recommend to the Senate as a body to file a case against her violating Article 150 or the Revised Penal Code and Article 150 is disobedience to summons issued by Congress, its committee or subcommittee; by constitutional commissions, its committees and subcommittees para gawin na po nating pormal ito…at magkaroon ng po ng court case,” dagdag niya.

Bukod kay Guo, o kilalailang Guo Hua Ping, inirekomenda ni Gatchalian ang pagsasampa ng katulad na kaso laban sa ibang indibidwal na ipinaaresto ng Senado na hindi dumalo sa pagdinig kabilang sina Sheila Leal Guo, Wesley Leal Guo, Jian Zhong Guo, Seimen L. Guo, at Wenyi Lin.

Sinuportahan naman ni Senador Risa Hontiveros, chairman ng komite, ang suhestiyon ni Gatchalian at nanawagan sa kasamahan na suportahan ang panukala.

“The chair joins with you in that course of action and we will invite our colleagues as well to do so,” ayon kay Hontiveros.

Iniimbestigahan ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality ang pagkakasangkot ni Guo sa illegal POGO hub na nilusob sa Bamban, Tarlac. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here