Ilang dating opisyal ng gobyerno ang sinampahan ng kaso ng dating empleyado ng isang pulitiko sa Quezon dahil sa umano’y panggigipit at pananakot sa kanya.
Sa isang pulong balitaan sa Maynila, kasong paglabag sa Republic Act No. 9516 (Section 4-a) at Republic Act. 10591(Comprehensive Firearms and Ammunition) sa ilalim ng criminal case na planting of evidence ang isinampa ni Jestin Aquino, residente ng Brgy. Tagimbac, Bayambang, Pangasinan sa Office of the Provincial Prosecutor ng San Carlos City, Pangasinan.







